Sunday 5 July 2009

The Paradox of an OFW

It's so hard to be an OFW. You sacrifice everything, specially your time with your family, just to be able to earn money for, guess what, YOUR FAMILY. Ang hirap, di ba? Specially if you're a first timer, sobrang nakakabaliw!

Imagine, tuwang tuwa ka na natanggap ka sa trabaho pero andami mong kelangang i-prepare na documents, na syempre, kelangan ng pera para maayos ang mga ito. Ang pera mo naman ay sapat lang para sa pang araw araw na gastusin kaya't anong iyong gagawin, manghihiram ng pera expecting that you will earn enough to pay for it once you're in the country you're going to work in. Ilang taon ang contract? One year? Two years? Sabi mo sa sarili mo, ok lang. Kakayanin mo ang lahat para sa pamilya mo. Ginagawa mo ang lahat nang ito para sa pamilya mo.

Pagdating ng araw ng pag alis mo, magkahalong tuwa at saya ang 'yong nararamdaman, tuwa dahil sa wakas, mabibigyan mo na ng magandang bukas ang pamilya mo, hoping that this will be the start of a new life for you and your family. Umaasa na ito na ang simula ng pag angat mo sa buhay. Lungkot dahil iiwanan mo ang pamilya mo, lalong lalo na ang mga anak mo. Pero iniisip mo na lang, para sa kanila naman ito eh.

Pagdating sa destination mo, kayod kabayo ka, para lang makaipon para sa pamilyang naiwan sa pinas pero sa unang 3 buwan mo, para kang mababaliw sa lungkot! Homesick na homesick ka at iniisip mo na gusto mo nang umuwi, na di mo na kaya, na miss na miss mo na ang asawa mo at mga anak mo. Pero pag naiisip mo naman ang kalagayan ng Pilipinas, pakiramdam mo, walang pag asa doon. Mahirap kumita ng pera. Kayod ka nga nang kayod, kulang pa rin ang sinusweldo mo. Buti pa dyan at kahit papano, kumikita ka ng di hamak na mas malaki kesa naman magtityaga ka sa Pilipinas. Kaya kahit anong lungkot mo, kahit anong hirap ng trabaho, tinitiis mo para lang makapagpadala sa pamilya sa Pilipinas. Iniisip mo, ilang taon ka lang dito, mag iipon ka para pag uwi mo, magtatayo ka ng maliit na business para di ka na kelangan pang mawalay sa pamilya mo.

Lumipas ang isang taon, dalawang taon....heto at pauwi ka na. Ang saya saya! Sobrang excited ka na makita ang asawa at mga anak. Pagdating sa pinas, parang pyesta! Pati kapitbahay mo tuwang tuwa sa iyong pag uwi. Syempre may konting handaan, may inuman, lahat masaya. Lalo ka na kasi bidang bida ka sa pag uwi mo.

Matapos ang kasiyahan, reality sets in. Wala pa rin kayong ipon. Ilang taon ka na rin nagtatrabaho sa ibang bansa pero wala pa ring ipon, wala pa ring sariling bahay, regular naman ang padala mo pero bakit ganun? Walang nangyayari....wala pa rin kayong ipon? Bakit? Hirap na hirap ka na sa pagtatrabaho pero wala pa rin natitira sa kita mo. Sabi mo na lang, pagbalik mo, hinding hinding hindi talaga pwedeng ganito uli. Sa pagbalik mo, kelangan makaipon ka na.
Sana nga....di naman mahirap eh. Kelangan lang ng disiplina para makaipon at alam mo dapat kung paano ka makakaipon.

Dito matutulungan ko kayo......

Sa mga susunod ko pang blogs....

No comments:

Post a Comment